Lunes, Oktubre 15, 2012

Behind those lenses: My Film Gym experience



visual language has always been of great appeal to me. having a background in development communication, i have had a fair share of the theoretical and technical aspects of producing videos and how it can be of help to pursue a certain benefit to the community. however, my youth and the "surface" knowledge of videography is insufficient to fully grasp the deeper sense of it in a vast world where a chimera of insidious battles cannot be merely pacified by rhetoric.

it was thanks to a serendipitous discovery of this scholarship offered by film gym that even in a short time, i was able to feel and understand the more profound reasons behind the lenses. elements of visual language which particularly sewn into a film used to be an elite and a intimidating facade for me. elite, because i lack wealth to afford even the cheapest video camera there is today. even more intimidating for the jargons that push me out of the league. but no question, i am a lover of the finished products - and admittedly, with a great bias to Hollywood. then again, thanks to film gym that i was able to comprehend deeper the frustrating tug-of-war our filmmakers have to live by just to thrive in the industry. with that, i come to better appreciate Filipino films and the arduous process behind the silver screen.

it may be just 6 days of a 7-hour talking, listening, yawning and teasing with seatmates and direk, but for me it's a whole lot of life-changing encounter to the master of illusion which  of course known by many as Mr. Film. film gym is truly an educator in many ways; never mind if you don't have the top-of-the-line facilities, all you need to have is the heart and the skill to capture a story to re-tell. this world indeed is not merely made of atoms, but of stories that need be shared to feed a hungry soul. i know it is just sitting within "me", but film gym has helped me uncover and release. it, i would say, is the more important part of it - more than the technical block, it is the purpose that one has in recording stories and stitching them together to feed a captured mind. it is not true that we have no more choice but to see commercial junks; we have a vast option to create our own and touch lives of people, but more essentially our own lives.

i pray that more "passioneers" like me would be able to experience film gym. it is liberating yet connects me deeply to a world where the lead characters are "others". the journey has just begun. possibilities are endless. i can now use whatever i have - be it a phone camera or the most elite hardware there is. i now have the potion in me. people are waiting, stories need be told and retold.

mae m. catibog
batch 6

Huwebes, Oktubre 11, 2012

Mukhang Kathang-Isip Lamang ...





Ang buhay ay maraming mukha. Ito’y maaaring magsimula at matapos sa iisang hilatsa, iisang kulay. Subalit sa pagtuos nito ay makakasalamuha ang samu’t saring anyo at palamuti. Sa paghahanap ng kahulugan, maaari kang maligaw at hindi na makabalik.

Ang buhay ay maaaring ikahon sa larawan ng bawat bangketang iyong madaraanan: sa bawat pagkalanta ng hinog na saging na hindi na mapapalitan ng halaga; sa bawat butil ng nilagang mais na katumbas ng bawat hilab ng pag-asa; sa bawat piraso ng pekeng pelikula na tuwina’y nakikipaghabulan sa posas ng kalsada; sa bawat masangsang na laman-dagat na kung aalatin ay magpupulang mata; at sa bawat usok na pumapailanlang sa lansangang patungo sa rurok ng kagubatan…

….

Maraming tao ang may ganap na pagnanais maglingkod, ng tapat, ng may dignidad, ng may puso. Subalit hindi nakapagtatakang nasa gitna pa rin tayo ng panganib ng pagbagsak. Hindi lubos na nakapagtataka kung bakit walang pag-unlad sa gobyerno, sapagkat ang bawat matataas na opisyal nito ay narahuyo sa kapangyarihang sarili lamang ang pinagsisilbihan. Ang bawat isa ay paurong ang pagtanda. Batid man ang paghihirap ng mga tauhan, pinipiling pa ring wag pansinin at patuloy sa pagpapakalunod sa imahe ng kariktan na pawang kathang isip lamang.

Maraming pag-aanalisa sa kalagayan ng bansang ngayon ay kumakalinga sa atin. Maraming pagpuna, may iilang papuri, subalit ang lahat ng ito ay pawang nananatiling nakapailanlang sa himpapawid. Nangakalutang, walang patutunguhan. Katulad ng mga titik sa sanaysay na ito. Hanggang saan lamang ang maaabot ng ganitong mga panulat... hanggang sa kaisipan ng mga nilalang na may kakayahang magbukas ng mga makabagong kagamitan at marunong umunawa ng mga titik na nakasalansan. Subalit hanggang saan ang mararating ng aking tinta, hanggang sa mga mata, hanggang sa isipan lamang. Maaaring may ilan na naturol ang puso at magsisimulang kumilos, subalit ang iilan lamang ay hilaw.

Nagsasalimbayan sa aking isipan ang mga tagpo sa isang silid kung saan mainit ang palitan ng pananaw sa kung gaano kabulaan ang gobyernong sa atin ay naghahari. Subalit nakalulungkot ding isipin na hindi alintana ng bawat isang nagmamagaling ang pinakadahilan kung bakit sila ay naroroon sa silid na iyon. Ang pumapailanlang lamang ay ang pagnanais na mailabas ang naguumapaw na disgusto sa kasalukuyang sistema. Subalit kung ililihis ng kaunti ang mata at isip, naghihintay sa isang sulok ang kasagutang pilit nagpapansin ngunit natatakpan ng mukhang kathang-isip lamang. Ang sagot ay nariyan lamang naghihintay na mapansin, naghihintay na yakapin... sa gitna ng mukhang kathang-isip lamang.

Rahuyo




Sabado, habang ako'y sakay sa isang pampasaherong jeepney patungo sa kung saan, may sumakay na mag-iina. 

Kita ang kapayakan sa kanilang pamumuhay, subalit hindi mababakas ang anumang pag-aamot ng higit sa naroroon. Nakakaaliw pagmasdan habang ang munting paslit ay patuloy sa pag-ngasab sa isang pirasong mangga, hindi inda kung ito ma’y hindi pa nahugasan.

Matibay naman ang sikmura niya sa ganoon, palibahasa ay bihasa nga. Maya-maya pa’y walang anumang inagaw ng musmos ding kapatid upang magbaon ng malaking kagat, at kagyat ding ibinalik. Ako’y nagalak sa nakita kong ito.

Bigla kong naalala ang buhay noong hindi pa ako nalalayo sa probinsiya. Ang aking kamusmusan na inadornohan ng payak ngunit maliligayang mga sandali.

Maya-maya pa, ang eksena ay hinalinhan ng pagsakay ng mamang pagkarami-rami ng kargada. Mahaba-habang sandali rin kaming nakahimpil habang hinihintay maikarga ang lahat ng kanyang mga dala.

Hindi ko napigilan ang mapangiti, paano’y sako-sakong kamoteng kahoy at bugkos ng mga talbos ng kamote at dahon ng sili ang kanyang bitbit. Pawang mga ani niya ang mga iyon. Napakasagana. Nakakagalak.

Minsan pa’y sumingit sa aking balintataw ang eksena sa tabing-ilog habang kami’y nagtatampisaw sa malinaw na tubig (bagaman ito unti-unti nang nahahaluan ng maduming lupa, na nagpapalabo dito ng kagyat).


Kung palalawakin ang pag-iisip, ang mga taong ito’y hindi maliliit, hindi kaawa-awa. Naging ganoon na lamang sapagkat hinayaan nating maging gayon ang dikta ng lipunan sa kanila.

Ang kakulangan sa salapi, kagamitan at intelektwal na kaalaman ay hindi kasalatan. Ang tunay na kasalatan ay yaong kakulangan sa paggalang sa sarili, sa patuloy na pagtingin sa sarili bilang mababang alagad ng lipunan. Ang kasalatan ay yaong pagkaganid na manguna sa iba at magkamal ng makamundong kayamanan, ito ma’y mangahulugan ng pagkasira ng iba.

Ang mga taong ito’y siyang tunay na kainggitan, sapagkat sila’y inosente sa makamundong paghahangad. Ang dapat sa kanila’y tingalain at turuang pahalagahan ang sarili upang hindi ihambing ang sinasabing kasalatan sa elitistang pamumuhay.

Hindi nila dapat ikintal sa isip na sila’y kaawa-awa at dapat tulungan, manapa’y turuan silang mag-isip kung paano magiging kapaki-pakinabang sa iba at sa lipunan. Ang dapat itatak sa kanila ay ang isiping sila ang dapat tumulong at hindi ang tutulungan.

Siguro kung ganito ang isipin ng lahat ng tao, masaya ang mundo. Kontento eh. Pero kung ganito nga eh di wala nang mundo… paraiso na yun.

bigo ... wagi ang sining ng pag-ibig



anumang pagsisikap na ikubli ay pilit pa ring bumabalik ang daluyong ng maragsang alon.

akala ko ay tapos na, akala ko ay nakatulog na sya. lumayo at inihele upang mahimbing sa kaibuturan ng dagat ng paglimot. subalit kagyat ang kanyang paglukob at sa isang hindi inaasahang pagkakataon.

animo isang halimaw na nahimbing sa mahabang panahon, at sa kanyang paggising ay mas malakas, mas mapusok at mas nagsusumigaw. nakakatakot, nais kong magkubli sa likod ng katwiran at pagpapanggap. subalit ito ay mapilit, nanghihila sa isang mundong ito lamang ang may alam.

batid kong ito ay mabuti, subalit sa paghalaw ng mga mata ng lipunang mapanghusga ay tuwirang ipagkakait ang kahulugang higit pa sa nakikita ng makamundong mata.

ito ay isang panaginip. nagsimula sa isang katotohanang ipinagpatuloy ng mahabang ilusyon. mula sa matang nag-aalab hanggang sa mga haplos ng hanging nagdadala sa mas malalim na agam. ngayon, muling lalabanan ang hampas ng di mapigil na unos. tatalikod sa isang magandang kalawakan, lilipad patungo sa realidad ng siphayo.

Makata


Ika-1 ng Oktubre, 2010
Nawawalang Paraiso
Brgy. Camaysa, Tayabas, Quezon


 Sa gitna ng mga alingawngaw ng diwa…

Hindi ako tulad nila
Ang diwa ko’y hindi naglalakbay
Sa landas nila

Hindi ko kilala ang mga dakilang makata
Lingid sa akin
Ang mundo ng henyong tula

Ang tula ko’y sariling diwa
Hinukay ang ilan
Sa ilalim ng talampakan
Ang ila’y kusang bumangon mula sa karimlan

Ang diwa ko’y tula
Ngunit kaiba sa kanilang makata
Ang akademiko ko’y lansangan ng diwa
Ang kalasag ko’y malay
Diwa

Ang mundo ko’y salansan ng upuan
Na nagkalat sa payak na sahig
May ibang anggulo
Ang harap ay duon at dito

Ang mundo ko’y tula


* I’m not like them, but my world is a poem.